CAMARINES NORTE- Naharang ang isang lalaking may patong-patong na kaso dakong alas 5:45 ng hapon nitong Marso 9, 2022 habang nagsasagawa ng Joint Comelec Checkpoint ang mga tauhan ng Talisay MPS kasama ng mga tauhan ng Alpha Company, 9IB,9ID, Philippine Army sa kahabaan ng kalsada sa Purok 1, Brgy. Poblacion, Talisay, Camarines Norte
Ayon sa ulat na isinumite ng Talisay MPS, ang akusado ay kinilala sa alyas na “Ote”, may asawa, isang construction worker at residente ng Purok 2, Brgy. Sta.Cruz, Talisay, Camarines Norte.
Diumano, habang nasa kalagitnaan ng Checkpoint ay naharang ng mga otoridad ang nasabing akusado na napag-alamang may kinakaharap na kasong panggagahasa at limang (5) bilang ng Acts of Lasciviousness na may kabuuang piyansa na umaabot sa Php 756,000.00.
Agad na inaresto ang akusado matapos na matukoy at mapatunayan na ito ang personaheng tinutukoy sa warrant of arrest
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Talisay MPS ang naarestong personahe upang kaharapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.
