Ilang barangay sa Pio Duran, nakakaranas ng problema sa supply ng tubig

LEGAZPI CITY – Nakakaranas ng kakulangan ng supply ng tubig ang ilang mga barangay sa Pio Duran na nakakaapekto na hindi lamang sa mga residente at sa pagsasaka kundi maging sa livestock sector din.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) head Noel Ordoña, sinabi niya na halos lahat ng mga barangay ay apektado ng problemang ito lalo na ang mga nasa bundok na bahagi, ngunit ngayon ay may tatlong barangay sila na tinututukan kabilang ang Kuyawyaw, Agol, at Binodegahan.

Samantala, nag-request na sila sa Bureau of Fire Protection na matulungan ang lokal na pamahalaan na mabigyan ng tubig ang mga nangangailangang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *