NAGA CITY – Nasayang ang pagod ng mga mangingisda matapos na matapon sa karagatan ang nahuli nilang isda sa magdamag na paglalayag sa karagatang sakop ng Calabanga, Camarines Sur.
Malakas na alon ang sumalpok sa papadaong na sanang bangka, kaya tumaob ito at nahulog ang mga banyerang may lamang mga isda. Laking pagka dismaya at panghihinayang ng mga mangingisda sa nangyari. Sa pagkuwento ni Sabang Barangay Kagawad Marilyn Haya, sinabing hindi inaasahan ng mga mangingisda na may malalaking alon silang makakasalubong dahil halos nasa pampang na sila.
Kumpiyansa ang mga ito na tahimik silang makakadaong, dahil wala namang malaking alon silang nakasagupa sa gitna ng Sam Miguel Bay, kahapon.
Shearline ang nakakaapekto sa Camarines Sur at ilan pang bahagi ng Bicol Region ayon sa PAGASA.