Transport Group sa Naga City hindi nakiisa sa ikinasang tigil pasada; pasok sa eskwela suspendido

NAGA CITY- Tuloy ang tatlong araw na  tigil pasada na ikinasa ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) simula ngayong araw Nobyembre 20, bilang protesta sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Sa Naga City, sinabi ni Committee on Transport Chairman Councilor General Omar Buenafe , wala naman silang natanggap na kalatas, wala ring abiso.  Ayon pa sa konsehal, napapakinggan naman ang hinaing ng mga nasa sektor ng transportasyon sa Naga, maging mga tricycle , e-trike at iba pa. May mga asusasyon rin na tanggap na ang jeepney modernization, katunayan mayroong mga modernong jeep na pumapasada na sa lungsod.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros
Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sinabi naman ni Mayor Son Legacion sa kaniyang abiso ngayong umaga napag-alaman nila sa mga transport group na hindi makikiisa, gayunpaman suspendido ang pasok sa eskwela sa lahat ng antas. Ito ay bilang konsiderasyon sa mga estudyanteng nakatira sa mga lugar na apekto ng tigil pasada na sa lungsod nag-aaral.