LEGAZPI CITY – Muling inatake sa pangalawang pagkakataon ng hindi pa matuloy na mga salarin ang pasilidad ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) na naging dahilan ng pagkasunog ng ilang bahagi nito.
Ayon kay Patricia Gutuierrez, tagapagsalita ng nasabing opisina, bandang 7:28 ng umaga nang atakihin ng hindi kilalang mga suspek ang pasilidad, kung saan natagpuan ang isang copper wire na may habang 1.5 metros at may nakakabit na dalawang double A battery sa magkabilang dulo na ihinagis sa APEC primary line at nagsanhi ng pagpatay-sindi ng kuryente sa mga feeders.
Ang nasabing copper wire ay mayroong palatandaan ng sariwang pagkasunog.
Aniya, apat na beses na nagkaroon ng patay-sinding kuryente sa mga bayan ng Camalig at Daraga at makalipas ang isang oras ay naibalik naman ang kuryente sa mga nabanggit lugar.
Binigya-diin pa ni Gutierrez, maaari umanong sinasadya ang nasabing gawain dahil sa nalalapit na ang AGMA na gaganapin sa darating na Sabado, September 3, 2022.
Paniniwala ng opisyal, ang panibagong pag-atake umano ay malinaw na organisado at planadong pananabotahe sa APEC at sa mga pasilidad nito.
Layunin umano ng grupo nitong ay magkalat ng kaguluhan at galitin ang mga konsumedores laban sa korporasyon.