Pagpapabilis ng internet connection services sa west coast ng Albay, iminungkahi ng isang kongresista para sa pagpapalakas ng turismo

LEGAZPI CITY – Iminungkahi ng isang Kongresista sa lalawigan ng Albay na kinakailangang makipag-ugnayan ang Department of Tourism (DOT) Bicol sa mga telecommunication companies upang mapabilis ang internet connection services sa west coast areas sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Cong. Fernando Tibor Cabredo ng 3rd district ng Albay, sa ginawang budget deliberation sa Committee on Appropriations, nilapitan nito si DOT Bicol Regional Director Herbie Aguas para sa pagkumbinsi sa Telecommunication companies gaya ng Globe at Smart na magtatag ng mga cell sites na magpapaganda ng telecommunication at internet services.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, malaking tulong umano na magkaroon ng mga cellsites sa lugar upang mapalakas ang turismo sa west coast areas na kinabibilangan ng Ligao City, bayan ng Oas, Pioduran, Polangui, at Libon.

Dahil dito, mapapaunlad ang ekonomiya sa lugar kung saan kikilalanin na rin ito na isa sa mga dapat dayuhin sa bansa.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Naniniwala ang kongresista, sa oras na maisakatuparan ang paglagay ng internet services sa nabanggit na mga lugar ay mayroon ng potensyal na umunlad pa ang turismo na tulad na lamang ng Boracay.

Kung titingnan umano ang Albay West Coast area, dinarayo na ito ng mga turista dahil sa malinis na dalampasigan ngunit ang tanging pinoproblema umano ng mga dayuhan ay ang kawalan ng signal o at mahinang internet connection services.