Municipal peace and order council at municipal anti-drug abuse council nagsagawa ng 3rd quarterly meeting para sa kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng publiko sa Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Magkasamang nagpulong ang Municipal Peace & Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) para sa kanilang bilang bahagi ng pagpupursige ng dalawang konseho sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa bayan ng Camalig, Albay.

Pinangunahan ang nasabing pagtitipon ng Local Government Unit (LGU) ng nasabing bayan, kung saan, ang pangunahing pinag-usapan ay ang peace and order situation na napansin ng Philippine National Police (PNP) na nasa normal na katayuan dahil nananatiling minimal ang mga nangyayaring krimen.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Mahigpit na pagpapatupad ang ginagawa ng pulisya sa bayan para mapigilan ang krimen kung saan ipinapakita ng mga ito ang presensya ng pulisya sa lugar, anti-kriminalidad, mga operasyon at seguridad ng publiko.

Binanggit ng Camalig Municipal Police Station (MPS) ang mga operational accomplishments sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto, 2022, kabilang ang pagdakip sa mga taong sangkot sa iligal na pagsusugal, insurhensiya, patuloy na kampanya ng “Oplan Manhunt Charlie”, pag-set up ng mga checkpoint/control point, at buong pagsunod sa RA 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Inatasan na rin ni Mayor Carlos Irwin G. Baldo, Jr., na pataasin ang police visibility upang maiwasan ang posibleng insidente ng kidnapping na talamak sa ibang lugar.

Bilang pandagdag sa mga adbokasiya laban sa ilegal na droga ng PNP, in-update ng Municipal Social Welfare & Development Office (MSWDO) ang mga konseho hinggil sa mga programang pangkalahatang interbensyon para sa mga Persons Who Used Drugs (PWUDs) tulad ng limitado sa profiling, treatment at rehabilitation, at pagsasagawa ng serbisyo sa komunidad, mga sesyon ng aftercare, workshop, at mga aktibidad sa pagmumuni-muni sa sarili.