Ilang ASEAN nations, nais ikick out ang Myanmar- Marcos

Hindi umano natuwa ang ilang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries at nais ma-kick out ang Myanmar, na ngayon ay nasa ilalim ng internal political conflict, mula sa regional bloc.

Ito ang ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pulong sa kapwa mga lider mula sa ASEAN sa kanilang summits sa Cambodia.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Pagbabahagi ni Marcos, na ang dahilan nito ay hindi umano ipinapatupad ng naturang bansa ang Five-Point consensus, na napagkasunduan ng ASEAN members na itigil ang karahasan sa junta-ruled nation at nanawagan ng dayalogo sa mga kinauukulang partido.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Ayon sa pangulo, nakabuo ang ASEAN leaders ng iba’t-ibang posisyon, kasama ang buong spectrum na pagkick out sa Myanmar mula sa ASEAN at lubusang pag-engage sa kanila.

Para kay Marcos, mahalaga umanong kausapin ang lahat, kasama ang mga nasa posisyon at mga nasa low levels, at ang mga nais na makilahok sa dayalogo. //MHEL PACIA