Muling binago ng bansa ang tourism target para sa mga bisitang darating sa Pilipinas sa 2.4 million hanggang sa katapusan ng 2022, matapos na lumampas sa two-million mark ang tourist arrivals.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang target ng mga bisita sa bansa ay isang “moving target” dahil ang 1.7-million target ay nalampasan na noong Oktubre.
Mula naman sa 2,000,0025 na mga turista sa Pilipinas, mahigit sa mayorya ay pawang mga foreign travellers.

Giit ng Tourism secretary, nananatili ang Pilipinas bilang isa sa mga top destinations ng mga turista mula sa buong mundo, dahil sa mga bagong tourism awards. //MHEL PACIA