Kamara, aprubado na ang P100 excise tax sa single-use plastic bags

Aprubado na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magpapataw ng P100 na excise tax sa single-use plastic bags, na matagal nang pangunahing dahilan ng environmental pollution.

Ang House Bill (HB) No.4102, ay naglalayung itaas ang lumang excise tax sa single-use plastic bags ng 400 percent.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Ayon kay Deputy Speaker at Davao City 3rd district Rep. Isidro Ungab, na siyang nanguna sa sesyon, na 255 House members ang bomoto pabor sa panukala, tatlo ang negative, habang wala namang nag-abstain.

Sa ilalim ng panukala, P100 buwis ang ipapataw sa bawat kilo ng single-use plastic bags na tinanggal mula sa place of production o nailabas mula sa Bureau of Customs (BOC).

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Tataas naman ang naturang buwis ng four percent kada taon simula sa Jan. 1, 2026.

Inilarawan naman sa panukala ang “single-use plastic bags” bilang secondary level plastics na gawa sa synthetic o semi-synthetic organic polymer gaya ng ‘ice,’ ‘labo,’ o ‘sando’ bags, may handle man o wala, at mga ginamit na packaging para sa mga pagkain at iba pang produkto. //MHEL PACIA