Ilang area sa La Catellana, nag-forced evacuation dahil sa lahar ng Mt. Kanlaon

Umagos ang lahar mula sa pumutok na Bulkang Kanlaon ngayong araw.

Dahil sa mga debris mula sa Bulkan na dinala ng malakas na ulan – umagos ang mga lahar sa ilang mga kalsada sa La Castellana at sa Canlaon City.

Nagpatupad na rin ng ‘force evacuation’ ang La Castellana LGU dahil sa pag-agos ng lahar dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan barangay Biak-na-bato.

Paglilinaw naman ng PHIVOLCS – walang na-record na panibagong eruption sa Mt. Kanlaon.

Dahil umano sa pag-ulan ngayon ay nagkaroon ng lahar at mud flow.

Bago ito, unang sinabi ni PHIVOLCS Dir. Teresito Bacolcol sa panayam ng Brigada NewsFM na binabantayan pa rin nila ang posibilidad ng phreatic eruption mula sa bulkan.

Sa ngayon, nananatili pa rin daw na tahimik ang Mt. Kanlaon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *