Mga apektado ng pagsabog ng Mt. Canlaon, nakatanggap na ng tulong

Naghatid ng tulong ang DSWD sa mga apektadong residente matapos ang pagsabog ng Mount Canlaon.

Nasa 13,000 Family Food Packs ang kanilang naipamahagi.

Natanggap na rin ang tig 20,000 na Family Food Packs para sa mga apektadong residente ng Negros Oriental at Occidental.

Maaalala na ikinagulat ng lahat ang biglang pagsabog ng Bulkang Kanlaon nitong nakaraang araw.

Marami ang naapektuhan kaya’t mabilis ang responde ng mga otoridad.

Tiniyak rin ng ahensya na patuloy ang tulong sa mga biktima habang nasa evacuation center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *