Babaeng mayroong multiple sexual partner mataas ang panganib na magkaroon ng cervical cancer

CAMARINES NORTE – Mataas ang panganib ng mga babaeng may multiple sex partner na magkaroon ng cervical cancer ayon sa Department of Health.

Sa Press Conference na ginanap dito sa bayan ng Daet nitong Miyerkules, inihayag ni  Senior Health Program Officer Julie Ann Legazpi  Granadino ng Cancer Control Program ng DOH Bicol via zoom na ang pagkakaroon ng maraming sexual partners ay isa sa risk factor.

Isa kasi sa sanhi ng cervical cancer ang Human Papilloma Virus (HPV)na isang sexually transmitted disease. Pero kahit hindi ganap na pakikipagtalik, maaaring mahawa ng HPV kahit skin genital- contact.

Bukod dito mataas din ang risk na magkaroon ng cervical cancer ang pagkakaroon ng anak na higit sa tatlo at paggamit ng oral contraceptives ng higit sa limang taon.

Gayunman binigyang diin ni Granadino na “highly treatable ang cervical cancer lalo na kung maaga itong matutuklasan sa pamamagitan ng regular na pagpapa- screen ng cervix.

Kabilang umano sa mga sintomas nito ay ang hindi pangakariwang pagdurugo ng perta na maaaring mangyari sa pagitan ng buwanang dalaw o ang pagkakaroon ng hindi pangkaraniwang vaginal discharge at pananakit ng ibang parte ng tiyan.

Para maiwasan ang cervical cancer ipinapayo ang pag- abstain sa pakikipagtalik, magint tapat sa asawa o partner, vaccination at regular na pagpapakunsulta sa doktor.

Ngayong Mayo ay inoobserba ang Cervical Cancer Awareness month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *