Health protocol violators sa Sorsogon umabot sa mahigit 1,500; pinakamarami sa Bicol region

SORSOGON CITY- Sa halos isang linggo, mula Agosto 8 hanggang 14 nitong taon, nakapagtala ang lalawigan ng 1, 821 health protocol violators ayon ito sa ipinalabas na datos mula sa PNP-Regional Office 5 sa Camp Simeon Ola, Legazpi City, Albay.

Sa nasabing bilang, umabot sa 1, 067 ang binalaan lamang dahil sa hindi paggamit ng face mask, 491 naman dahil sa walang faceshield habang may 211 ang binalaan dahil sa hindi pagsunod sa social distancing.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

May naitala namang 52 indibdiwal ang nabigyan ng citation ticket dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.

Sumunod sa Sorsogon ay ang lalawigan ng Albay na nakapagtala ng 1, 324 health protocol violators na sinundan naman ng Camarines Norte-1, 100; Masbate-134; Camarines Sur-103; Naga-45 habang may 15 lamang violators ang naitala sa Naga City.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa kabuuan, ay umabot sa 4, 539 ang lumabag sa minimum health protocol sa rehiyon sa loob ng isang linggo.

Ang PNP-Bicol ay hindi nagsagawa ng pag-aresto, karamihan ay binigyan lamang ng babala.