Inaasahan ang pagdating mamaya ng ikalawang batch ng mga Overseas Filipino Worker o OFW mula sa bansang Israel.
Sa impormasyon mula sa Department of Migrant Workers, inaasahang darating mamayang pasado alas tres ng hapon ang mahigit 20 mga OFW sakay ng Etihad airlines.

Tulad ng mga nauna, sasalubungin din sila ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang DMW, Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, Department of Foreign Affairs, at Department of Social Welfare and Development.
Makakatanggap din ang mga ito ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan.
Nabatid na nitong Myerkules nang dumating ang unang batch ng mga OFW na mula sa Israel.
Una nang nilinaw ng DFA na hindi galing Gaza ang mga napapauwing OFW, kundi ang mga nawalan ng trabaho sa Israel dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan.