84-anyos na lola natagpuang patay sa Libmanan

CAMARINES SUR- Kaawa-awa ang lagay ng isang 84-anyos na lola nang matagpuan sa Libmanan , Camarines Sur; wala nang buhay.

Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office isang grupo ang nagpaabot sa kanila ng ulat, nakita ang bangkay ng lola na pinaniniwalaang nalunod.

Kinilala ang biktima na si  Lola “Natividad” ng Potot , Libmanan. Nakuha ito sa Barangay Malbogan , may kalayuan sa bahay nito at dinala sa San Juan Boulevard.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang lola ay nawawala nitong Oct. 18 ng madaling araw,  nanawagan ang pamilya na ipagbigay alam sa kanila kung makita , pero kagabi Oct. 19 malungkot na ipinaabot sa BNFM Naga na natagpuan na pero patay na. Ayon kay Ruben Lumubre , acting operations and warning officer , huling nakita ang lola sa kuha ng CCTV camera sa  Barangay Potot papunta malapit sa Bulaong Bridge at pagdating sa may mga puno hindi na ito nakita sa CCTV.  Sinabi rin sa BNFM ni Lumubre , napag-alaman nila na may dinadala umanong sama ng loob ang lola.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City