Ika-151 na Malasakit Center, binuksan na sa Quirino Province

Pormal nang binuksan sa publiko ang ika-151 na malasakit center na makikita sa Province Medical Center matapos ang isinagawang inagurasyon nito kahapon, March 2, 2022.

Ayon sa Provincial Government of Quirino, layunin ng nasabing malasakit center na maging one-stop-shop center na magbibigay ng tulong medical at pinansyal sa mga kabilang sa indigent population.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Katuwang ng Malasakit Center ang DOH, DSWD, PhilHealth, PCSO at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Bukod dito ay nabigyan rin umano ang probinsya ng Quirino ng 3 milyon pesos initial fund mula sa Office of the President habang binaggit rin umano ni Sen. Bong Go na mayroong karagdagang 10M fund na ibibigay ang kaniyang tanggapan sa Malasakit Center ng Quirino.