DOLE-Sorsogon kinalampag dahil sa usad-pagong sa pagtugon sa maanomalyang distribusyon ng ayuda mula sa Tupad program

SORSOGON CITY – Pinatitiyak ng ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod na magiging mabilis at hindi usad-pagong ang pagtugon ng Department of Labor and Employment (DOLE) Sorsogon sa mga kinasasangkutang isyu ng implimentasyon ng TUPAD.

Ayon sa Committee Chairman on Agriculture City Councilor Erwin Duana, hindi na bago ang mga usapin sa TUPAD gaya ng paggamit nito ng ilang personalidad lalo na sa pangangampanya at mali umanong pagtukoy ng mga benepisyaryo.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Ngunit tila walang ginagawa ang naturang ahensya upang maayos ito kahit na marami nang lumulutang na ebidensya mula pa noong nakatalikod na taon.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Umaasa ang opisyal na magiging mabilis ang imbestigasyon ng DOLE upang hindi madungisan ang kagandahan ng naturang programa para sa mga naapektuhang manggagawa ng pandemya.