Hinimok ng Integrated Bar of the Philippines si Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera ang desisyon nito na nagbabawal sa mga miyembro ng Gabinete na dumalo sa Senate probe.
Sa isang pahayag ay sinabi ng IBP na sa gitna ng gusot sa pagitan ng Executive at Legislative branches ay umaapela sila ng sobriety at unity sa pagitan ng dalawang sangay ng gobyerno.

Hiniling rin ng grupo ang kooperasyon laban sa korapsyon at pang-aabuso.
Nakiusap naman ang IBP sa Punong Ehekutibo na sumunod sa desisyon ng Korte Suprema kung saan ay sinabi na co-equal braches ng gobyerno ang Executive at Legislative.
Ipinaliwanag ng IBP na hindi pwedeng harangin ng ehekutibo ang kapangyarihan ng Kongreso na mag-legislate sa pamamagitan ng pagtanggi sa demands nito para sa impormasyon.