Ibong Adarna, natagpuan  sa Antique?

Ilang taon ka no’ng una mong narinig ang kwento ng isang ibon na pinangalanang ibong adarna?

Marahil halos lahat sa atin ay familiar sa nasabing sikat na ibon.

Paano na lang kung mabuhay ang isang ibon sa kasalukuyang panahon?

Sa probinsya ng Antique partikular na sa Semirara Island,  natagpuan ang isang pambihirang ibon na sa sobrang ganda ay aakalain mong isang Ibong Adarna.

Dahil sa iba’t ibang mga kulay na taglay nito, pinusuan ng mga netizen ang nasabing ibon.

Ang naturang ibon ay hindi ibong adarna dahil kilala ito bilang Golden Pheasant, isang species ng ibon na kadalasang matatagpuan sa mga kabundukan ng Western China.

Ibinagi ng netizen na si Noynoy Filaro ang video ng naturang ibon na agad namang pinusuan ng mga netizen. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *