Iba’t ibang grupo – tutol sa planong pagbaba ng taripa sa imported rice

Binweltahan ng ilang grupo ang panukalang pagpapababa ng 20% sa taripa ng mga imported na bigas para mapababa rin ang presyo ng bigas sa Pilipinas.

Ayon sa Amihan National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas, ang mungkahing iyon ay hindi naman makapagpapalakas sa lokal na produksyon ng bigas, bagkus ay mas pagpapabaha ng imported na bigas.

Iginiit din ng mga ito na ang tariff cut ay hindi sagot sa abot-kayang presyo ng bigas.

Sinabi naman ni Amihan Secretary- General at Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, dapat ilantad at batikusin ang planong pababain ang taripa hanggang sa mawala ito.

Naniniwala rin si Estavillo na kailangang tugunan ng gobyerno ang paglalaan ng malaking pondo o subsidiya sa NFA para masustain ang pagbebenta ng subsidized price ng bigas.

Samantala, nanindigan din Federation of Free Farmers Cooperatives, Inc. (FFFCI) na papabor lang ang tarrif reduction sa mga importers at traders.

Ani FFFCI chairperson at dating Department of Agriculture (DA) secretary Leonardo Montemayor, hindi mapakikinabangan ng mga konsumer ang pagpapababa sa taripa sa mga imported na bigas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *