SAF na nasugatan at nasawi matapos ang engkwentro sa Abu Sayyaf, binigyang parangal

Lumipad patungo ng Tawi-Tawi si PNP Chief PGen Rommel Marbil at DILG Sec. Benhur Abalos Jr

Ito’y para bigyang parangal ang mga pulis ng Special Action Forces na nasagutan at nasawi matapos ang engkwentro sa Abu Sayyaf noong Martes.

Kasama sa mga binigyang pagkilala ang sugatang sundalo na si Patrolman Ian Valdez na kinalaunan ay nasawi.

Habang ang mga sugatan naman ay sina Police Master Sergeant Mohammad Lee Aharul at Police Master Sergeant Alberto Olbis.

Binigyan ang 3 ng Medalya ng Katapangan at Medalya ng Sugatang Magiting.

Nagpadala ng financial support ang PNP at DILG sa mga sugatan at nasawing pulis at nagpaabot din ng pakikiramay.

Ayon kay Abalos, kahanga-hanga ang katapangan na ipinakita ng 3 na nagsakripisyo para sa kanilang trabaho.

Sinabi naman ni Marbil na dapat tularan ng PNP ang ginawa ng 3 na sa kabila ng peligro ay naging tapat sa pagpatupad ng kanilang tungkulin.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *