Iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa lungsod ng Legazpi, patuloy ang paghahanda para sa nalalapit na PRISAA 2024

LEGAZPI CITY – Patuloy ang isinasagawang paghahanda ng iba’t-ibang mga ahensya ng gobyerno sa lungsod ng Legazpi para sa nalalapit na Private Schools Athletic Association (PRISAA) 2024 kung saan nakatakda itong isagawa sa nasabing lungsod.

Ang Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi n isa sa mga itinalaga sa Incident Management Team ay nakahanda na umano para isagawa ang kanilang mga hakbang para gawing mapayapa at ligtas ang mga delegado mula sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Ayon kay BFP Legazpi SFO3 Madonna Rempillo at syang tagapamahala sa Planning Division, maayos na umano ang kanilang palano para sa seguridad ng mga student-athletes, sports officials at ibang kasama para sa nasabing aktibidad. Isa umano sa mga estratehiya nila para mapanatiling maayos ang aktibidad ay ang pagpapalaganap ng kanilang mga tauhan sa iba’t-ibang lugar kung saan ang destinasyon ng mga kalahok.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Mayroon na rin umanong labing isang (11) ambulances bilang paghahanda sa anumang emerhensya, kung saan ang BHRMC at Legazpi City Hospital ang magsisilbing referring hospital ng mga delegado.

Kung matatandaan, una na ring sinabi ni Department of Education (DepEd) Legazpi Division Sports Officer Francisco Dexter Sison, na handa ang mga billeting areas kung saan tutuloy ang mga delegado.