LEGAZPI CITY – Bumisita ang World Health Organization (WHO) representative na si Dr. Tadesse Birru sa Albay Provincial Health Office pag-usapan ang paghahanda para sa School-Based Immunization (SBI) program sa lalawigan ng Albay.
Nakatuon ang talakayan sa strategic planning, resource allocation, and collaborative efforts upang matiyak ang matagumpay na pagpapatupad ng SBI, kung saan ito ay naglalayong pahusayin pa ang saklaw ng pagbabakuna at protektahan ang kalusugan ng mga mag-aaral sa buong lalawigan.
Matapos ang nasabing pag-uusap, nagsagawa naman ng Consultative Meeting ang Albay PHO, sa pangunguna ni Dr. Estela Zenit sa mga local health officers ng mga Rural Health Units (RHUs) at City Health Offices (CHOs,) kasama ang mga namumuno sa mga public hospitals at LIPH Coordinators para i-review ang kanilang Annual Operational Plan para sa taong 2025.