MDRRMC sa Camalig, Albay, inalerto ang lahat ng brgy. sa bayan sa posibleng sama ng panahon sa mga susunod na araw at linggo

LEGAZPI CITY – Inalerto na ng Camalig Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang lahat ng barangay sa kanilang bayan sa posibleng maranasang malalakas na pag-ulan at pagkabuo ng bagyo sa mga susunod na araw at linggo.

Ito ay ayon kay MDRRMO chief Dr. Rommel Negrete Jr., sa gitna ng isinagawang 3rd quarter full council meeting sa Sangguniang Bayan (SB) session hall kung saan base aniya ito sa mga weather forecast kaya’t agad nilang pinaghahanda ang mga residente ng kanilang nasasakupan upang mabawasan ang peligro at masiguro ang kanilang kaligtasan.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Bukod pa rito, nagbigay naman ang opisyal ng update patungkol sa nagpapatuloy ma monitoring at evaluation ng mga Barangay Disaster Risk Reduction & Management Plans at Barangay Disaster Risk Reduction & Management Councils na isa sa paraan upang makita ang kahndaan ng bawat barangay sa anumang klase ng kalamidad.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Samantala, ipinresenta na rin dito ang Local Disaster Risk Reduction & Management Fund Investment Plan para sa taong 2025, kung saan kabilang sa planong ito ang installation ng CCTV na makakatulong sa pagmonitor ng anyong tubig, pagdeploy nin automated weather system, pagbibigay nin tulong-pinansyal, implementasyon kan 24/7 infocast/textblast services at iba pa.

Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ng lokal na gobyerno sa iba’t-ibang uri ng kalamidad na may layuning maabot ang zero casualty.