COMELEC sa PPCRV mismatch – ‘misencoding’ ang dahilan

Nilinaw ng Commission on Elections na ang naitalang mismatch – o hindi pagkakatugma sa bilangan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa election returns ay bahagi lamang ng ‘misencoding’.

Ito ang sinabi ni COMELEC acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco, matapos ma-encode ng PPCRV ang higit sa 60,000 ERs mula sa kabuoang 80,000 na kopya nito.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Ayon kay Laudiangco, ang naging projection ng poll watchdog ay aabot sa 1.22 % ang mismatch sa auditing nito.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ito aniya ay bahagi lamang ng ‘misencoding’ o posibleng pagkakamali sa pag-encode ng iilang mga boto.

Paliwanag ni Laudiangco, maaaring hindi nabasa nang maigi ng mga volunteers ang mga numero dahil sa kapaguran.