IATF, pag-uusapan ang posibilidad ng “Alert Level 0” status – Duque

Pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibilidad na maibaba ang COVID-19 status ng bansa sa “Alert Level 0” ngayong nasa ilalim ng Alert Level 1 ang maraming lugar.

Ayon kay Duque, naitala ang hindi hihigit sa 1,000 mga kaso sa loob ng anim na magkasunod na araw sa national Capital Region (NCR).

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ipinunto rin ng kalihim na meron pang 38 karagdagang lugar sa buong bansa at nasa pinakamababang lebel na hanggang March 15.

Dagdag ni Duque, kahit pinapayagan ang 100% capacity sa iba’t-ibang establishimyento ay nagpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Umaasa naman ang gobyerno na bababa pa sa 500 o mas konti pa ang mga kaso sa daily basis para mas lalong mag-de-escalate ang bansa.