Inanunsyo ng Broadban internet service provider na Converge Information and Communications Technology Solutions (ICT) Inc. na nakaranas ito ng data breach.
Ayon sa Converge ICT, target ng data breach na makuha ang personal na impormasyon ng mga customers mula sa GoFiber app ng kompanya.
Dagdag ng Converge, sinubukan ng unauthorized third parties na i-view ang ilang account details ng ibang subscribers.
Tiniyak naman ng internet service provider na magsasagawa ito ng data analysis at isolated incedent lamang ang data breach.
Ipinunto nito na maliit na bahagi lamang ng customer base ang naapektuhan.
