Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya sisibakin si Health Secretary Francisco Duque sa kabila ng mga panawagan na tanggalin na ito sa pwesto dahil sa mga kinakaharap na kontrobersiya ng DOH.
Sa recorded briefing ngayong umaga, sinabi ng Pangulo na siya ang kumuha kay Duque kung kaya’t kung may pagkakamali ito ay pagkakamali din niya.
Wala umano siyang pakialam sa ratings at handa siyang tumindig para kay Duque kahit ito pa ang dahilan ng kanyang pagbasak.
“Kahit mag-isa na lang ako, I will stand for Duque even if it will bring me down,” ayon sa Presidente.
Dagdag pa ng punong ehekutibo na kapag pina-alis niya si Duque, huhusgahan agad ito ng tao na kurap na unfair naman umano para sa kalihim.
“Kapag pinaalis ko ‘yang si Duque, lifetime, sabihin ‘yan pinaalis, ‘yan kasi may corruption. Just imagine the injustice that you inflict on another human being. Hindi ako ganoon,” pahayag pa ng Pangulo.
