HVT timbog sa buy bust operation ng PDEA at PNP sa Cabatuan, Isabela

Nakumpiska ng mga otoridad ang tinatayang 60,000 pesos na halaga ng marijuana sa isang High Value Target matapos ikasa ang buy bust operation sa Culling, Centro Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PDEA Region 2, kinilala ang pinaghihinalaan na si Jay Sarambao, 32 anyos, loader operator, at residente ng Brgy. Harana, Luna, Isabela.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Batay sa report ng PDEA, inaresto si Sarambao matapos umanong bentahan nito ang nagpanggap na buyer ng isang piraso ng transparent plastic cling wrapper nang pinaniniwalaang marijuana leaves kapalit ang humigit kumulang na 60,000 pesos bilang marked money.

Tinatayang may timbang ang nakumpiskang marijuana ng 500 grams.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang dalawang bala ng 12 gauge shot gun at isang cellphone.

Dinala naman si Sarambao sa Cabatuan Police Station para sa tamang disposisyon at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165, RA 10591 at BP 881 o Omnibus Election Code of the Philippines.