Hunger czar: ‘Di puro ayuda ang gov’t; Resumption ng mga biz, target

Naghahanap umano ng mga paraan ang gobyerno para ligtas na mabuksan ang marami pang industriya sa kabila ng COVID-19 risks, para mabawasan ang hunger situation sa gitna ng lumalalang unemployment rate.

Ayon kay Cabinet Secretary at Hunger czar Karlo Nograles, hindi naman laging magbibigay ang gobyerno ng lockdown aid.

Kaugnay nito, inamin ni Nograles na maraming Pilipino ang nakakaranas ng gutom dahil sa mahabang quarantine na ipinapatupad sa buong bansa.

Batay sa Rapid Nutrition Assessment Survey na isinagawa ng Department of Science and Technology, lumalabas na 62.1% ng households ang nakakaranas ng walang pagkain sa kanilang hapag sa gitna ng pandemya.

Dahil dito, maliban sa nagpapatuloy na feeding programs at paghikayat ng backyard at community gardening, ginagawan ng paraan ng gobyerno na magbukas ng negosyo ang marami pang sektor sa kabila ng banta ng coronavirus. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *