Humigit kumulang 50 bangka nakilahok sa taunang Karakol sa bayan ng Mercedes sa karangalan ni San Antonio De Padua

CAMARINES NORTE- Aabot sa humigit kumulang limampung bangka ang nakilahok sa taunang prusisyon sa dagat o mas kilala sa tawag na “karakol sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte nitong Martes, June 13 sa kapistahan ni San Antonio De Padua.

Ang bangkang sinasakyan ng imahe ni San Antonio De Padua ay napapalamutian ng mga banderitas at mga bulaklak.

Ang tradisyong ito ay matagal nang ginagawa sa naturang bayan na karamihan sa mga residente ay pangingisda ang hanapbuhay.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Bahagi  ito ng kanilang pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin ng kanilang patron.

Natigil lamang ang ganitong gawain noong kasagsagan ng pandemya.

Ayon sa Philippine Coast Guard  wala namang naitalang anumang “untoward” incident sa pagsasagawa ng Karakol.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Samantala natagpuan naman ang wala nang buhay na katawan ng isang lalaki sa baybaying sakop ng Barangay 6 pagkatapos ng ginawang prusisyon sa dagat.

Gayunman sinabi ng PCG na hindi ito konektado sa ginawang karakol.

Pinaniniwalaang nalunod ang lalaki at habang isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima.