Humigit-kumulang 200 sako ng certified palay seeds, ipinamahagi ng PhilRice sa mga magsasaka

Tinatayang nasa humigit-kumulang 200 sako ng certified palay seeds mula sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang ipinamahagi sa mga magsasaka bilang bahagi ng programang tulong sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na ipinag-uutos ng Rice Tariffication Law.

Ayon kay  Legazpi City Agriculture Office (CAO) chief Shiela Nas, ang mga palay seeds ay gagamitin ng mga magsasaka para sa kanilang susunod na panahon ng pagtatanim.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Mamahagi rin ang nasabing opisina ng mga buto ng gulay sa lalong madaling panahon sa mga apektadong magsasaka.

Ang mga apektadong magsasaka ng palay ay maaari ring mag-claim ng insurance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sinabi ng opisyal, ang lahat ng lehitimong magsasaka sa lunsod ay dapat naka-enroll na sa Registry System in Basic Sector on Agriculture, habang ang palay na kanilang itinanim ay pawang insured sa PCIC.