Tatlong kaso ng COVID-19 ang muling naidagdag sa record sa bayan ng Camalig, Albay, kahapon ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan.
Nakatala sa datos na nagpositibo ang tatlong mga babae, kung saan ang isa rito ay 39 anyos na mula sa Brgy. Tagaytay; isang 50 anyos na mula sa Brgy. Binanderahan, at ang 26 anyos na student intern na nakatira sa Brgy. Salugan.
Pawang naka-quarantine sa kasalukuyan ang tatlong indibidwal na nagpositibo sa nasabing sakit.
Sa ngayon, 706 na ang mga indibidwal na kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa nabanggit na bayan.
Paalala naman ang palagiang pagtalima sa mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nabanggit na sakit.