Sinira ang nasa humigit kumulang apatnaraang mga open at bullet pipe muffler na nakumpiska sa mga operasyon ng Olongapo Traffic Management and Public Safety Office.
Kabilang rin dito ang dalawang sidecar na nahuli dahil sa kawalan ng dokumento at lisensya ng nagmamaneho.
Read More: Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City
Ayon kay OTMPS Chief Maj. Camilo Pablo, ito ay alinsunod sa City Ordinance No.2 Series of 2023 at Ordinance No. 36 Series of 2016.
Paalala ni Pablo sa publiko, sumunod sa batas para maiwasang makumpiska, mapagmulta at maabala.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
