Human Rights Watch, nanawagan sa presidential bets na iatras ang lahat ng mga kaso laban kay De Lima

Hinimok ng Human Rights Watch ang mga presidential candidates para sa eleksyon na mangakong iaatras ang lahat ng mga kaso laban sa nakakulong na si Senator Leila de Lima.

Ipinunto ng HRW na ang mga nasabing kaso ay ehemeplo ng pagmamalupit ng kasalukuyang administrasyon.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Inihayag ito ni HRW Asia Director Brad Adams ilang araw bago ang ika-anim na taon ni De Lima sa kulungan ngayong February 24.

Ayon kay Adams, dapat mag-commit ang mga kandidato sa pagka-pangulo na palayain si De Lima sa lalong madaling panahon, at ayusin ang nabahirang criminal justice system ng bansa upang pumantay ito sa international standards.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Mababatid na naka-detain si De Lima sa Philippine National Police Custodial Center sa Quezon City mula pa noong February 2017 para sa mga kasong may kinalaman sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison noong panahon niya bilang justice secretary.