Human papillomavirus (HPV) vaccination, nakatakdang ipamahagi sa buong rehiyon

BNFM Bicol-NAKATAKDANG ipamahagi ng Department of Health o DOH Bicol ang Human papillomavirus (HPV) vaccines sa mga buong rehiyon ng Bicol.

Ito ang kinumpirma ng DOH Bicol sa naganap na press conference kasunod ng paghihikayat ng ahensya sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra  sa mga Vaccine Preventable Diseases, ang pagsasama ng HPV Vaccine sa mga vaccination drive lalo na sa mga paaralan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Matatandaang mga probinsya lamang ng Camarines Sur at Masbate at mga lungsod ng Naga, Legazpi, Ligao at Tabaco ang nabiyayaan ng ganitong uri ng bakuna nitong mga nakalipas na taon.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nauna nang sinabi ng ahensya na target nila ngayong isama sa mga bakunahan sa mga paaralan ang bakuna kontra Human papillomavirus bukod sa iba pang mga bakuna gaya ng Measles-Rubella, at Tetanus-Diphtheria. ### KENNETH BERMIL