Estudyante, nakumpiskahan ng mataas na kalibre ng baril sa Cotabato City, arestado

Nahaharap sa kasong paglabag sa Firearms and Ammunitions Regulations Act ang estudyante arestado matapos makumpiskahan ng baril.

Nahuli ang estudyante ala-una ng madaling araw sa checkpoint operation ng kapulisan sa Crossing Bubong, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Kinilala ang suspek na si Kusain Lucman Guiabal alyas Junior, 23 anyos

Base sa imbestigasyon, dumaan ang grupo ng suspek na sakay ng minivan sa lugar kung saan nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Habang nasa inspection, biglang nagpaharurot ang van. Nahabol ang ito ng kapulisan ngunit nakatakas ang dalawang kasamahan.

Pagbukas ng minivan, nakita ang MP5 sub machine gun, bushmaster rifle, mga magazines at bala.

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ang nahuling suspek.