Hindi agarang pag-anunsyong nakalabas na ng bansa si Alice Guo – nakuwestyon

Naniniwala naman si Senador Win Gatchalian na mas maigi sana kung maagang naibalita ang pagkakapuslit ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa bansa.

Kung maalala kasi – kinumpirma ng mga otoridad na matagal na nilang alam na nakalabas na ng Pilipinas sina Guo, pero hindi nila ito kaagad isinapubliko.

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Ayon kay Gatchalian, bagamat naiintindihan naman nila na kailangan na munang i-validate ang naturang impormasyon – dapat ay na-inform din sila sa intel na ito.

Read More:  PNP forms new tracker teams to arrest Sen. Bato Dela Rosa

Maaari naman daw kasi itong idaan sa executive session.

Ang dating tuloy – parang tinatago ng mga otoridad ang problemang nalusutan sila ni Guo Hua Ping at parang nais nila itong pagtakpan.