Tuluyan nang kinansela ng Commission on Elections ang huling bahagi ng kanilang presidential at vice presidential debates na naka-schedule sana bukas at sa araw ng Linggo.
Sa isang puling balitaan, sinabi ng Comelec na imo-move na ito sa April 30 at sa May 1.
Isinagawa ang rescheduling sa kalagitnaan ng isyu ng contractor ng Comelec kung saan ay hindi nabayaran ang venue partner nito na Sofitel Garden Plaza.
Napag-alaman kasing nagpatulong na ang pamunuan ng Sofitel para singilin ang milyong halaga ng payment mula sa pribadong contractor ng Comelec matapos makailang beses na tumalbog ang tseke nito.
Ang partnership na nalagdaan ay sa pagitan ng Philippine Plaza Holdings Inc. ang may-ari ng Sofitel at ng Impact Hub Manila.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, hindi bahagi ang Comelec sa kontrata ng dalawang parties.

Kinumpirma naman ni Comelec Commissioner Aime Ferolino na ililipat na sa KBP ang partnership para sa pamamahala at pakikipagcoordinate sa mga kandidato.
Sa huli, muling humingi ng paumanhin si Garcia sa mga kandidato.
Paliwanag nito, ilang araw na lang ay matatapos na ang campaign period, at magugulo ang schedule ng mga pulitiko.
#