HPG suportado ang lokal na kapulisan sa pagsasagawa ng Comelec checkpoint

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Highway Patrol Group na suportado nito ang lokal na kapulisan sa pagsasagawa ng Comelec checkpoint na may kaugnayan sa May 2022 national and local elections.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni PMaj Joselito Quila, Provincial Officer ng HPG sa Camarines Norte na alam din umano nila ang schedule ng mga checkpoint ng local PNP at maraming pagkakataon na sumasama sila dito.

Kasabay na rin aniya ito ng kanilang kampanya kontra carnapping gayundin ang Opaln Sita.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Habang ang local PNP naman ay nakatutok lalo nasa implementasyon ng gun ban.

“Ang aming mga patrol personnel, alam namin kung ano ang mga schedule ng mga local Comelec checkpoint, from time to time nagjo- join kami diyan,” ani Quila.

Maliban sa pagsama sa Comelec checkpoint ay araw- araw din aniya silang lumalabas para ipatupad ang traffic laws at manghuli kung kinakailangan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Muli ring nanawagan ang HPG sa mga nag mamay- ari ng pribadong sasakyan taga Camarines Norte man o hindi, na ipinagbabawal ang pagkakabit ng mga sticker na may PNP o HPG logo.

“Panawagan po ng Highway Patrol sa mga taga Cam Norte at maging bisita ng Cam Norte, sino man po sainyo ang may private vehicles, 4 wheels or 2 wheels, huwag na huwag po kayong magkakabit ng HPG logo or PNP logo kasi po ay bawal po yan.