HPG pinaalalahanan muli ang mga tricycle na huwag gumitna sa highway

CAMARINES NORTE – Muling pinaalalahanan ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang mga tricycle na huwag gumitna sa national highway.

Sa Road Safety seminar nitong Biyernes na dinaluhan ng ilang tricycle driver at estudyante  na ginanap sa Narido High School sa Barangay Taisan, Basud, Camarines Norte, sinabi ni PCpl Jerick Ablitea, Police Community Relations Officer ng HPG Camarines Norte na bawal sa gitna ang mababagal na sasakyan tulad ng tricycle.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Paalala ni Ablitea, ang gitnang bahagi ng kalsada ay para lamang sa mabibilis na sasakyan sa highway.

Pero sa kabila ng paulit- ulit na paalala ay marami pa ring mga tricycle ang dumadaan sa inner lane.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Matatandaan na noong 2020 ay naglabas ng Memorandum Circular ang Department of the Interior and Local Government na nagbabawal sa mga tricycle sa gitna ng highway at inaatasan din ang mga Local Government Unit na lumikha ng tricycle task force na hiwalay sa tricycle regulatory board para mag- formulate o irebyu ang tricycle route plan.