HPG nagsasagawa pa rin ng Oplan Sita kahit itinigil na ang Oplan Lambat Bitag Sasakyan

CAMARINES NORTE- Nagsasagawa pa rin ngayon ng Oplan Sita ang PNP Highway Patrol Group kahit itinigil na ang lingguhang operasyon nito na tinawag na Oplan Lambat Bitag Sasakyan.

Kahapon ng umaga ay nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Provincial Highway Patrol Team sa kahabaan ng Maharlika Highway sa may boundary ng Daet at Basud.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Isa- isang pinahihinto ang mga dumaraang sasakyan upang siguruhing nakakasunod ang mga ito sa batas trapiko.

Bukod dito patuloy ding ipinapaalala ng HPG sa mga driver at commuters ang kahalagahan ng pagsunod sa health protocols lalo na ngayong mataas pa rin ang kaso ng COVID- 19.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Una nang ipinaalala ng HPG sa mga pampublikong sasakyan na sundin ang itinatakda ng IATF na seating capacity.

May mga pagkakataong bumibisita rin ang HPG sa mga terminal.

Ipinatutupad rin dito sa probinsiya ang no vax no ride policy sa bisa ng Executive Order ng Pamahalaang Panlalawigan.