Coast Guard aminadong marami pang backlog sa Safety, Security and Environmental Numbering System ng mga bangka

CAMARINES NORTE- Aminado ang Philippine Coast Guard na marami pa itong backlog sa Safety, Security and Environmental Numbering System (SSEN) ng mga bangka.

Ang SSEN ay sinimulang ipatupad noong 2017 alinsunod sa Republic Act 993 o Philippine Coast Guard Law at memorandum circular ng Department of Transportation (DOTr).

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, substation commander ng Coast Guard Mercedes na nagkaroon sila ng backlog dahil sa COVID- 19 pandemic.

Gayunman nasa 88 porsiento na umano ng mga bangka sa bayan ng Mercedes ang nalagyan na ng numero.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Noong isang linggo pa ay inihanda na ng Coast Guard ang template at kung magtutuloy- tuloy ang paganda ng panahon ay makapagpintura na sa mga bangka.

“Sa Mercedes is halos 88 % na napinturahan so marami pa rin tayong backlog, problema nga eh me magre- renewehan na, hindi pa kami tapos, maghahabol talaga kami ngayon,” ani Rosales.

Kailangang i- renew kada tatlong taon ang SSEN at libre naman ito.

Kapag mayroong SSEN ang bangka ay madali itong ma identify kung saan galing dahil unique ito sa kada probinsiya.

“Libre po kasi yun ang ano lang namin dun, na ma- identify ng Philippine Coast Guard kung saan galing yung bangka, halimbawang magpunta siya sa ibang lugar alam ng tropa natin doon na oy galing ito sa Camarines Norte kasi yung numbering system namin is unique, yun lang talaga ang number na makikita mo dito sa Camarines Norte.”

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2017 – 001 ay mag- aasign ang DOTr ng unique identification number sa mga bangka maliit man o malaki.

Layon ng programa na mapahusay ang environmental protection, safety and security sa buong bansa.

Makakatulong di ang sistemang ito sa mabilisang pagtukoy sa kinaroroonan ng bangka sakaling magkaroon ng aberya dahil mabilis itong ma- identify sa pamamagitan ng numbering system.