HPG muling nag inspeksyon sa mga terminal dito sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Nag inspeksyon ang mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group sa mga terminal dito sa bayan ng Daet kahapon.

Bagamat bahagi na umano ito ng daily routine ng HPG ay mas naging importante ito ngayon lalo’t simula bukas, April 2 ay Semana Santa na.

Namahagi rin ng mga information materials ang grupo sa mga driver, kunduktor at pasahero na naglalaman ng mga pag iingat sa krimen.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa mga bibiyahe ngayong Semana Santa ipinapaalala ang BLOWBAGETS na nngangahulugang battery, lights, oil, water, brake, air, gas, engine, tire, and self.

Inaasahan namang simula ngayong araw ay mag uumpisa nang dumagsa ang mga biyahero at pasahero sa mga terminal papasok at palabas ng lalawigan.

Kaya naman simula kahapon, March 31 hanggang sa Abril 10 ay naka- heightened alert  na ang buong puwersa ng Land Transportation Office kaugnay ng “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2023.”

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ang HPG naman ay tuloy- tuloy lang sa kanilang mga operasyon.

Kahapon ay namahagi ng mga informative materials ang grupopatungkol sa road safety sa mga dumadaang motorist sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Pamorangon dito sa Daet.