Housing units sa Sagñay Camarines Sur pormal nang nai-turn over

NAGA CITY—Pormal nang pinasinayaan at itinurn-over sa mga benepisyaryo ng libreng pabahay sa Angat Buhay Village ang 50 housing unit sa Sagñay, Camarines Sur.

Ang naturang proyekto ay inisyatibo mismo ni dating Vice President Leni Robredo na siyang nanguna sa naturang programa kahapon sa pakikipagtulungan ng LGU-Sagñay, National Housing Authority o NHA, Kaya Natin Movement at ng University of Nueva Caceres.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon kay Municipal Councilor Noe Soreta, 50 pamilya ang napili at nabigyan ng sariling lupa at bahay sa Angat Buhay Village sa Barangay Del Carmen na mayroon nang sariling supply ng kuryente at tubig.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Aniya, lahat sila ay galing sa Sitio La Purisima ng Barangay Nato na ang tinitirahang bahay ay nasa tabi ng dagat na danger zone.

Matatandaan na noong Hunyo 5, 2021 nang isagawa ang groundbreaking ceremony sa Angat Buhay Village.