2 sugatan sa insidente ng pananaga sa Puerto Princesa

Sugatan ang dalawang kalalakihan sa insidente ng pananaga hating gabi kanina sa Purok Maligaya, Brgy. Simpocan, Puerto Princesa City.

Ang mga sangkot sa insidente ay kinilala ng Police Station 2 na sina Dindo Villaverde Pandenio, 36 anyos at si Florante Garcia Dagot Jr, 30 anyos, parehong residente sa Simpocan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon kay Dindo, pauwi na siya sakay ng motorsiklo habang angkas niya ang suspek at pagdating nila sa madilim na bahagi ay bumunot ng itak si Florante at bigla siyang pinagtataga sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sinikap umano ng biktima na maagaw ang itak nang sila’y magdumugan at ang itak ang aksidenteng tumama sa dibdib ng suspek.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nakatakbo ang biktima bago ito nakahingi ng tulong at nadala sa pagamutan.

Samantala, kasalukuyang nasa Ospital ng Palawan ang biktima at suspek habang sila’y iniimbestigahan ng pulisya.