House Speaker Martin Romualdez, hindi tatakbong senador sa 2025

Walang plano si House Speaker Martin Romualdez na kumandidato bilang senador sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Romualdez, target niya ang reelection bilang kinatawan ng unang distrito ng Leyte.

Paliwanag nito, marami pang trabahong kailangang tapusin sa kanyang distrito kaya marahil ay mananatili siya sa kasalukuyang posisyon.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Nang matanong kung may mga plano siya sa 2028 presidential elections, iginiit ni Romualdez na masyado pa itong matagal.

Maaaring tumakbo si Romualdez bilang kongresista para sa isa pang termino matapos magsimula noong 2019.

Naging kinatawan din ang Speaker ng Leyte First District mula 2007 hanggang 2016.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Noong 2016 ay kumandidato si Romualdez sa pagka-senador kung saan naging pang-labinlima siya.

Samantala, inusisa rin ang House leader hinggil sa inihayag ni Vice President Sara Duterte na plano ng kanyang ama at dalawang kapatid na tumakbo bilang senador.

Ipinunto ni Romualdez na umiiral ang demokrasya sa bansa kaya malayang kumandidato ang sinuman basta’t pasado sa kwalipikasyon alinsunod