Target ng Department of Labor and Employment na makalikha ng tatlong milyong trabaho sa ilalim ng Trabaho Para sa Bayan plan o TBP.
Sa kanyang talumpati sa ginanap na kauna-unahang employment summit sa Manila hotel, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na higit pa sa pagbibigay ng trabaho ang nais nila kundi de kalidad na klase ng trabaho, kasabay ang pagsisiguro sa worker’s welfare, empowerment, competitiveness, at seguridad sa lahat ng sektor ng paggawa.
Palalakasin din ng pamahalaan ang upskilling at reskilling upang matugunan ang jobs mismatch, underemployment at unemployment.
Ang TBP ay 10-year roadmap na magsisilbing national guide tungo sa employment generation at recovery.