Kinumpirma sa isang interbyu ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na ipapatawag niya sa paparating na drug war probe sa Senado si dating Pangulong Rodrigo Duterte at maging ang mga naging gabinete nito.
Ayon kay Dela Rosa, target niyang simulan ang pagdinig na ito ngayong naka-Session break pa sila sa Senado dahil pagbalik umano ng Nobyembre ay halos budget hearing na.
Pero anya, hindi niya pa kasalukuyang nakakausap si Duterte tungkol dito pero kumpiyansa siyang dadalo ito lalo na’t mas kumportable ito sa Senado kumpara sa Kamara.
Samantala, mariin naman ding iginiit ng senador na wala sa mga naging intel funds nila noon ang nagamit para sa di umano’y reward system sa ‘war on drugs’.